Biyernes, Setyembre 4, 2015

                                                     

                                            "ANG BUHAY NG TRABAHANTE"



     Handa na siyang sumali sa kanila.Nakahanda na ang kanin na may ulam na sinigang at may dessert na pampagana.Niligpit niya ang pinag kainan.Naghanda na siyang umalis .Teka may nakalimutan pa,ang baon pala.Nakasakay na siya ng may ngiti sa kanyang labi.Pagbaba nakita niya ang gwardya na may logbook na dala dala.

   Nilakbay na niya ang dapat niyang puntahan.Tumayo siya ng kay tagl tagal.Tinungo niya ang iang silid.Marami ang tumingin sa kanya.Agad syang umupo.Ginawa agad ang mga nakatimbak na gawain na ibinigay sa kanya .Sinunggaban niya agad ito.Takot sya at baka madatnan siya ng hindi pa tapos sa gawain na ibinigay.

  Maya maya sa wakas natapos na rin.Sa kanyang pag uwi sya'y pagod na pagod.Nagpahinga pagkatapos ay naghanda na ulit para sa gagawing trabaho para bukas.

Biyernes, Agosto 28, 2015

Ang Kalikasan Noon At Ngayon

Madalas itinuturo sa paaralan ang kahalagahan ng likas na yaman natin ngunit ano nga ba ang

kalikasan noon at ngayon?

Kung ikukumpara natin ang kalikasan noon at ngayon, mapapansin natin ang ilang pagbabago na

nagaganap sa ating kapaligiran. Noon ang kalikasan natin ay sagana sa mga likas na yaman, maraming

puno, sariwang hangin, magandang kapaligiran, tanawin at malinis na dagat at ilog.Pero ngayontayo ay

namumuhay wsa isang kalikasan na animo’y bangungot na kikitil sa sanlibutan at walang buhay na

kapaligiran. Pansinin ninyo ang ating ilog, dibat napakarumi na nito? Ang mga mapang abusong tao ay

ginagawang tapunan ng mga basura ang ating ilog! Yan ang kasalukuyang kalikasan na ginagalawan natin

Ano ba ang nararapat nating gawin upang kalikasan nati’y maibalik sa dati nitong ganda?

Pagsunod sa batas na dapat nating sundin ang sinuman upang kalikasan nati’y maibalik sa dati nitong

Pahalagahan natin ang kalikasan, at pahalagahan ang bawat natitirang likas na yaman ng ating

bansa! Dahil ang labis na pang aabuso sa ating kalikasan ang siyang magiging sanhi ng pagka wasak at

pagka wala ng mga likas na yaman. Iligtas natin ang ating kalikasan, ingatan natin ito dahil ito ang

magiging susi ng pag asenso ng ating bansa.